kahapon, ngayon at bukas

ako’y palakad-lakad lamang mag-isa…

hanggang may isang araw na dumating ka;

noon di’y nakatagpo rin ng masisilungan,

pagkatapos ng matagal na pagkakababad sa ulan…

tila di na maikukubli ang ligayang nadarama,

sa tuwing hawak ang mga segundo’t ika’y kapiling na;

kasama ang pagdampi ng banayad na hangin,

kalakip ang mga pangarap na nais nating abutin…

hanggang isang araw, nagdilim muli ang langit,

at ang papawiri’y unti-unti ng binawian ng ngiti;

hinding hindi ko malilimutan ang bawat saglit,

noong ika’y nagpaalam at ang lahat ay nawaglit…

mamaya pagtulog ko, ikaw man ang nasa panaginip,

tuloy-tuloy lang ang buhay hanggang muling maidlip…

Bookmark and Share

Leave a Reply